got it?!
"The only failure in life
is the failure to get rise.. "
RED is my fashion and passion...
It's the thought that counts! haha =P
Please visit my new Blog Site:
http://cyberlympus.blogspot.com
see yah! ;)
Home » Post Item » "Wagas na Pag-ibig" pocketbook version
"Wagas na Pag-ibig" pocketbook version
March 10, 2010
nung highschool pa ako.. natripan ko gumawa ng isang pocketbook na love story… wala lang feel ko lang gumawa.. ang totoo pa nyan, hndi ako mahilig magbasa ng pocketbook at hndi pa tlga ako nakakatapos magbasa ng isang pocketbook kgaya nung mga Precious Hearts Romances..
akala ko nawala ko na tong copy nitong gnawa ko… pero nung iniscan scan ko ung mga files ko sa USB flash drive ko, nagkita kaming muli..hehe…
habang binabasa ko xa.. tawa ako ng tawa.. napaka corny pla kasi nung gnawa ko…hehe.. kaya ngaun naisipan kong gawin eto na blog para ishare ung kakornihan ko nung highschool… =)
TAKE NOTE: hayskul pa po ako nung gnawa ko eto… wala pa ako maxadong kamuwang muwang sa mundo!..haha… kaya kung marami kayong katanungan after nyo eto basahin, wag nyo na lng itanong.. =P
“Wagas na Pag-ibig”
Ang kwento pong ito ay hango lamang sa imahinasyon ng may akda at hindi po sa totoong buhay at ganun rin po ang mga tauhan. Kung nabanggit man po ang inyong pangalan sa kwentong ito, at kung may pangyayari man pong nasulat sa kwento na nangyari na rin sa inyong totoong buhay, marahil ito’y coincidence lamang po at wala na pong pakialam ang may akda rito…
INTRODUKSIYON:
Ang tao kung mag-mahal, dapat walang kinakatakutan at handang magsakripisyo kahit masakit man ito alang-alang lang sa kasiyahan ng kanyang iniibig, at ang wagas naman na pag-ibig ay hindi mahahadlangan ng anuman kahit pa nang kamatayan…
Ang kwentong ito ay tungkol sa lalaking umiibig ng wagas sa kanyang iniibig at kahit magmahal man siya ng iba, hindi parin mawawala ang kanyang pagmamahal sa babaeng ito, at kahit ilang beses man siyang nabigo sa kanyang buhay pag-ibig di parin siya sumusuko hanggang dumating na lang ang hindi inaasahan…
2
KABANATA 1
Simula nanaman ng pasukan, Bagong problema at bagong pagsubok uli ang makakaharap ng mga estudyante. Si Nade, isang medyo gwapo, masasabi ring torpe ngunit grabe kung magmahal na lalaki na mag-gigrade one ang sabik na pumasok sa paaralan. Maaga siyang gumising: Bumangon sa kanyang kama, naligo, nagbihis, kumain, nagsipilyo, at umalis na… Subalit nang sasakay na sana siya sa isang pedicab, bigla siyang napahinto at napaisisp. Naalala niya, wala pa pala siyang baon, kung kaya dali-dali siyang umuwi at humingi nang pera sa kanyang tatay…
…Nang siya ay nakarating na sa kanilang paaralan ay nakaramdam siya ng pagkabagot at pagkalungkot dahil wala pa siyang nakitang kakilala. Buti na lang, dumating ang kanyang matalik na kaibigan na si Fred, kapitbahay niya ito, at kanya ring kababta. At pasalamat siya dahil naging kaklase niya pa ito! Meron na raw kasi siyang kokopyahan tuwing may pagsusulit. Lalo ring naging masaya siya at ang kanyang ngiti ay naging abot tenga na nang may nakita siyang isang dilag na kumikislap ang mga mata at nakakasilaw na
3
kagandahan. Tumingala siya sa itaas at nagsalita, “Lord, kung siya na, please let everything fall into place, pro kung hindi siya, eh Lord, pwede siya na lang?” ang pabirong sabi niya. Nilapitan agad ni Nade ang babaeng ito na walang hiya-hiya kasama ang kanyang matalik na kaibigan at nakipagkilala, “hi! Anong pangalan mo?” tanong ni Nade na medyo kinakabahan. “Mmm…Ako ba?” tanong ng dilag na nahihiya. “Oo ikaw, wala ng iba!”, sabi ni Fred. “ah…Anira, bakit?” At agad sumagot si Nade, “wala lang! gusto lang kasi kita makilala at maging bagong kaibigan ko, pwede ba?… Si Fred nga pala best friend ko, parang galit lang yan siya magsalita pero mabait yan…! and yours truly, Nade, Nade Hillary”, pagmamalaking sabi niya habang nakikipagkamay sa dilag. Sila rin ay naging magkaklase at naging matalik din silang magkaibigan: naglalaro, nagtatawanan, naghahabulan, at dahil doon, tuluyan na ngang nahulog ang loob ni Nade sa dilag na ito. Gusto niyang sabihin kay Anira ang kanyang nararamdaman, subalit siya’y Natatakot nadahil baka magalit ito, at kaya hindi niya masabi dahil nga siya ay natotorpe…
4
Pagka grade three nila, kinwento na ni Nade ang kanyang nararamdaman sa kanyang mga kabarkada sa kanilang klase. Sinabi niya na may gusto siya kay Anira. “Pare alam nyo, gusto ko si Anira, noon palang, simula nung una kaming nagkita!” “halata naman pare eh! Dikit ka kasi nang dikit sa kanya.” Sabat nang isang kabarkada. Habang kinikwento ni Nade ang tungkol sa kanyang nararamdaman kay Anira sa kanyang mga kabarkada, hindi nya namalayan na may nakarinig pala na isang kaklase na babae at ikinwento rin ito sa iba nilang kaklase. Mabilis na kumalat iyon sa kanilang klase hanggang nakarating ito kay Anira. Maraming mga chismis ang nabalitaan ni Anira na hindi naman talaga sinabi ni Nade. Katulad na lang daw na sinabi ni Nade na magkasintahan na sila ni Anira, pero ang totoo, walang siyang sinasabing ganun. Nagalit si Anira kay Nade, at agad niya itong nilapitan ito at pinagsisigawan. “anong klaseng kaibigan ka?! Pinagkatiwalaan kita! Tapos ganyan lang ang igagante mo?! Ipinagkalat mo pa na magkasintahan tayo?!” Nagulat si Nade sa narinig, nais niya sanang magpaliwanag dahil wala siyang sinasabing ganun ngunit hindi siya pinakinggan ng dilag.
5
Humingi si Nade nang tulong kay Fred ngunit kahit ito ay wala ding nagawa dahil talagang galit na galit na sa kanya ang kanyang pinakamamahal.
Ang masayang pagkakaibigan nila ay nauwi sa kalungkutan. Sobrang lungkot ang naramdaman ni Nade at sa tuwing naalala niya ang mga araw na kasama niya si Anira, at napapaluha na lamang siya sa kalungkutan.
Grade four na sila, “Sadyang napakabilis talaga ng panahon,” ang sabi ni Nade sa kanyang sarili. Ngunit, nandun pa rin ang kalungkutang tinatamasa niya kay Anira sapagkat di pa rin siya pinapansin nito.
Nagkaroon sila ng bagong kaklase na isang babae na nagngangalang Faith. Maganda rin si Faith at napakahinhin kaya di imposibleng magustuhan siya ng mga kaklaseng lalaki pati na rin si Nade, ngunit si Anira parin ang tunay na nilalaman ng kanyang puso sapagkat ang nararamdaman niya kay Faith ay infatuation lamang.
6
Sinabi-sabi ni Nade na ang bago niyang gusto ay si Faith. Sinabi-sabi niya lang ito para maisip ni Anira na wala na siyang gusto dito. Ngunit ang paglolokohang iyon ay di rin tumagal sapagkat hindi kayang itago ni Nade ang kanyang tunay na nararamdaman kay Anira, at ito’y nahalata ng dilag kung kaya, di na siya muling pinansin at mas lalo pa itong nagalit sa kanya. Nalaman rin ni Faith na ginamit lang siya ni Nade at nagalit din ito sa kanya, feel na feel niya pa naman sana na gusto talaga siya ni Nade. Subalit buti na lang napatawad din agad si Nade ni Faith dahil humingi ito nang tawad at sinabi niya ang katotohanan kung bakit niya yun nagawa. At ang hindi alam ni Faith, mayroon talagang tunay na may gusto sa kanya, at yun si Fred.
Sila’y Grade five na, Ngunit ang di pagkikibuan ni Anira at Nade ay patuloy pa rin. Di niya rin makausap o malapitan si Anira sapagkat siya’y natotorpe talaga. Sa tuwing magkasalubungan ang dalawa, para bang walang nakikita. “Oh Nade, nagkasalubungan naman kayo, bakit hindi mo naman pinansin?” tanong ni Fred na parang
7
KABANATA 2
Naiinis na. “di ko kaya eh! Baka kasi dedmahin niya lang ako.” Sagot ni Nade na nanghihinayang.
Sa kalagitnaan ng taong iyon, may dumating silang bagong kaklase na lalaki na sinasabi nilang TDH o tall, dark and handsome, ang pangalan nito ay Chris. Nagustuhan ito halos lahat ng kababaihan sa kanilang klase maliban na lang kay Anira, dahil daw mukhang napakayabang nito. “Aaay… ang gwapo!”, “oo nga!”, “ganyan ang ideal man ko”, “ako din!” bulungan ng mga babae sa isang sulok sa classroom na sobrang kinikilig.
Nung una, Medyo naiinis si Nade at ibang mga lalaki sa klase kay Chris, dahil nga siguro, nai-insicure sila, pero pagkalaunan, nawala din kasi ayos din naman daw pala ito at marunong makisama. Naging isang matalik din itong kaibigan ni Nade sapagkat ang kanilang magulang ay magkaibigan din pala. Para na ring magkapatid ang turingan nilang dalawa. Tuwing uwian sa tanghali ay doon na umuuwi si Nade kasama ang kanyang isang matalik na kaibigan na si Fred dun kina Chris upang magtanghalian, at kung minsan nga, doon na
8
natutulog si Nade sa bahay nila Chris. Napakaganda talaga ng samahan nilang iyon, para bang tunay nga silang magkapatid. Ikinuwento rin ni Nade ang tungkol kay Anira. Sinabi niya na gusting- gusto niya ito at sadyang napamahal na siya dito, sinabi niya rin ang buong nangyari sa kanila ni Anira. “Tol, alam mo, mayroon akong gustong gustong babae sa klase natin, si Anira, pero ‘lam mo, di niya na ako pinapansin simula nung nalaman niya na gusto ko siya, badtrip nga talag eh!” Pinayuhan siya ni Chris kung ano ang kanyang gagawin. “tol, madali lang yan, kung ayaw niya makipagusap sayo, padalhan mo lagi ng love letter, isulat mo kung ano yung mga nararamdaman mo.”
…yun nga ang ginawa ni Nade subalit walang nangyari dahil tuwing nagpapadala siya ng sulat kay Anira, pinupunit nito agad ang sulat na hindi man lang binabasa. Sinabi ni Chris kay Nade na siya ang gagawa ng paraan para magkaayos ang dalawa, “siya ang mag sisilbing tulay sa pagitan ng dalawang isla”. “tol, ako na lang bahala, Gagawa ako nang paraan para magkaayos kayo.” Sabi ni Chris. Pumayag naman agad si Nade sapagkat malaki ang tiwala niya sa kaibigan.
9
Gumawa nga nang paraan si Chris: nagdadala siya ng bulaklak at tsokoleyts kay Anira at sinasabi niyang galing ito kay Nade. Subalit, imbes na maging maayos ang lahat, mukha pa atang nagkaroon ng bagong problema si Nade. Nahulog ang loob ni Anira kay Chris dahil ang sweet daw nito. Nahalata ito ni Nade kay Anira kung kaya’t kinausap niya ang kanyang kaibigan. “tol, sa tingin ko parang sayo ata nagkakagusto ang mahal ko eh!?” ang sabi ni Nade kay Chris ngunit tumawa lang ito. “feel mo lang yan tol! tsaka huwag kang mag-alala, di ko siya aagawin sa’yo! Hahaha!”, sabi ni Chris kay Nade, at ito naman ay naniwala… “Aasahan ko yan ha?!”
Ngunit dumating na nga ang ikinakatakot ni Nade. Nalaman niya na nahulog na rin ang loob ng kanyang kaibigan sa kanyang iniibig at mas lalong nadurog ang kanyang puso nang malaman nyang nagkakaintindihan na pala ang dalawa. Talagang nasaktan si Nade sa nangyari dahil ang pinagkatiwalaan nyang kaibigan ay siya pa mismo ang magtatraydor sa kanya. Pilit ni Nade na tanggapin ang nangyari. Hindi niya raw kasi masisisi si Chris sapagkat di raw talaga mahirap mahalin si Anira. Kaibigan pa rin ang kanyang turing kay Chris kahit
10
trinaydor siya nito at hindi man lang daw humingi ng tawad, subalit nawala na ang kanyang tiwala rito.
Tuluyang nagkaintindihan ng lubusan sina Anira at Chris pagka grade six, at dahil doon, sinubukan na lang ni Nade na kalimutan na lang talaga ang kanyang minamahal na si Anira kahit masakit at mahirap, sapagkat naniniwala siya na kapag mahal mo raw ang isang tao, palayain mo siya at hayaan mo siyang maging masaya kahit ito’y makakasakit sayo. Ito’y isang katotohanang mahirap tanggapin kung ikaw talaga ay tunay na nagmamahal…
Dumating ang oras na ang dalawang nagkakaintindihan ay nagkatampuhan. “Pare, lam mo, nagkatampuhan daw si Chris at Anira!” balita ni Fred kay Nade. Hindi masabi ni Nade kung siya ba ay masisiyahan sa nabalitaan o hindi sapagkat kung nakikita niyang malungkot ang kanyang dating minamahal ay siya rin ay nalulungkot. “Fred, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa balita mo.” Sabi ni Nade. –“Pare, napakamartyr mo talaga! Ano bang
11
pinakain sayo ni Anira at nagkakaganyan ka sa kanya!?” –“Ewan ko nga rin Fred eh! Siguro nga mahal ko talaga siya”…
Nagpatuloy parin ang tampuhan nina Chris at Anira, At dahil doon, si Nade na ang gumawa ng paraan para magkabati ang dalawa kahit masakit, tiniis niya iyon para lang sa kasiyahan ng kanyang minamahal. Dahil siya ay eksperto na sa paggawa ng sulat, gumawa siya ng sulat para kay Anira na galing daw kay Chris at dahil doon, ang dalawa ay nagkabati. Nagpasalamat si Chris kay Nade, at sinabi nito na kakausapin niya si Anira at pipilitin na pansinin na siya nito.
Kinausap nga ni Chris si Anira, “Beh, pansinin mo na si Nade oh! Lam mo, siya ang dahilan kung bakit tayo nagkabati kasi siya ang sumulat nung letter na binigay niya sayo na galing daw sa akin, pero wag ka magalit sa akin kasi yung nakasulat doon, yun din talaga ang nararamdaman ko!” –“hah?! Mmm… oo sige beh, wag ka magalala.” sagot ni Anira. Pagkamamaya, kinausap ni Anira si Nade, “Ah, Hello Nade, Salamat nga pala kasi dahil sayo nagkabati kami ni Chris… tsaka kalimutang mo na yung mga nangyari sa atin noon ha!?”
12
KABANATA 3
wa… wa… wala yun! Sa… Salamat din!” kinakabahang sagot ni Nade… At simula nun, nagpapansinan na uli sila at muling naging magkaibigan.
Pagkaraan ng ilang buwan ay Graduation na nila. “Napakadali talaga ng panahon noh?! parang kelan lang!” sabi ni Nade kay Anira. “Oo nga!” sagot naman nito.
Pagkatapos ng kanilang Graduation Ceremony, nagpasya silang mga magkaklase na dun matulog sa bahay ng isa pa nilang kaklase. “Klasmeyts, dun tayo matulog kila Lady mamyang gabi, last na bitaw to na pagsasama natin sa elementary!” sabi ng kanilang Presidente sa klase. “Yehey!! Sige ba!! Ayos!” sagot na pasigaw nang lahat.
…Nang andun na sila sa bahay nila Lady, umalis si Chris sapagkat sinamahan nito ang isa pa nilang kaklase upang bumili ng
13
mga pagkain at maiinum. Nang nakaupo si Nade sa isang tabi na naglalaro ng brickgame, nilapitan siya ng kanyang minamahal paring si Anira at sila’y nag-usap ng matagal… iyon na siguro ang pinakamatagal nila na pag-uusap simula nung sila’y nagkatampuhan, subalit medyo badtrip si Nade nung oras na iyon dahil ang kanilang ping-uusapan ay si Chris. Tinatanong ni Anira kung ano mga ang gusto at mga ayaw ni Chris. Nalilito si Nade kung siya ba ay masisiyahan sapagkat kausap nyang muli ng matagalan ang kanyang minamahal o masasaktan muli dahil napakasakit talaga nito para kay Nade, ang pag-usapan ang minamahal ng kanyang minamahal. Pero itinago na lang nito ang kanyang nararamdaman dahil baka magkaron muli ng problema…
Bakasyon na… ngunit walang ibang ginawa si Nade kundi ang isipin ang kanyang minamahal… iniisip ang mga imposibleng bagay na mangyari sa kanila ni Anira… kasi para kay Nade, di naman daw kasi masamang mangarap… at libre lang naman daw ito…
14
Sila’y maghahayskul na! Kaya nangangailangang mag-take sila ng exam para malaman kung saan sila puwedeng mag-aral ng hayskul. Nagtake nga ng exam sina Nade, Anira, Chris, Fred, Faith at iba pa nilang kaklase sa ULS o ang Unibersidad ng Langgam at Salagubang, isang maganda at maayos na paaralan at tunay na magagaling pa ang mga guro. Nakapasa ang apat at iba pang kaklase subalit si Anira ay di sinwerte, di siya nakapasa, kaya dun na lang siya ipapaaral nang kanyang magulang sa Nostra Damus ala Kenkoy (NDK), isang relihiyoso na paaralan at pribado at sadyang maganda rin. Nalaman ito ni Nade at siya’y nagpasya na dun na rin mag-aral sapagkat gusto nya paring makasama ang kanyang minamahal. At dahil doon, naging maayos ang pakiramdam ni Nade, sapagkat wala na si Chris na hahadlang sa kanyang pagmamahal kay Anira, ang babaeng tunay na nagpapatibok ng kanyang puso.
Simula na muli ng klase sa hayskul, at sabik na sabik na pumasok si Nade sa NDK. Maaga muli siyang bumangon sa kama, naligo, nagbihis, kumain, humingi ng baon at umalis na. At nung mga
15
oras na iyon, nakaramdam siya ng kakaibang kasiyahan at kaba, ngunit di niya alam kung bakit at di niya ito pinansin.
Pagpasok niya sa loob ng NDK, nagmasid masid muna siya, kinilala ang mga guro, at tinignan ang mga sections bawat room. At nakita na rin niya ang kanyang magiging classroom. Ang pangalan ng kanilang section ay St. Edan, bago pa lang umano ito siya naging Santo kung kaya ito ang section nilang mga first year.
Pagpasok niya sa classroom na iyon, bumalik muli ang kasiyahang kanyang nadama kanina at lalo siyang kinabahan, at hindi niya parin alam ang dahilan. Napasulyap siya sa isang tabi at bigla siyang nasilaw sa isang magandang babae, parang naulit ang nangyari nung siya ay nasa grade one pa lamang. At nang naging malinaw na ang kanyang paningin, si Anira ay kanyang nakita. Iyon pala, kaklase niya muli ito at iyon siguro ang dahilan ng kanyang nararamdamang kasiyahan at kabang hindi maipaliwanag. At naging masaya talaga siya nung araw na iyon.
Pagkaraan ng ilang buwan, dahil nga hindi talaga mapigilan ni Nade ang kanyang nararamdaman kay Anira, muli nyang ipinaramdam
16
ang nilalaman ng kanyang puso kay sa dilag at ipinaalam niya na talaga ito. Habang naka-upo si Anira sa isang tabi, nilapitan siya ni Nade at nagsalita na halatang kinakabahan, “A…A…Anira, lam mo naman mahal na mahal kita, sana mahalin mo din ako oh?!” pabiglang sabi niya. Akala niya ay magiging ok na dahil nabalitaan niya rin na wala nang gusto si Anira kay Chris subalit siya’y nagkamali, kahit wala ng gusto ang dilag kay Chris, di niya pa rin pinagbigyan ang kanyang mangingibig. “hah?! Kakagulat ka naman!… Mmm… Sori, wala talaga akong gusto sayo eh! Tsaka, bakit ba ang kulit kulit mo?…sayang, sinira mo uli ang pagkakaibigan natin!” Muli itong nagtampo sa kanya dahil hindi pa raw natuto, at di na siya pinasin at hinding hindi na raw siya uli papansinin, at kaya ayaw niya si Nade dahil kaibigan lang daw talaga ang turing niya dito at pagmamahal lang sa kaibigan ang kanyang kayang ibigay…
Subalit, di pa rin nawalan ng pag-asa ang napakamartyr na si Nade, para bang isang munting paru-paro na pilit dumadapo sa isang kaakit- akit na bulaklak kahit laging pinapagtabuyan, sapagkat mayroon muli siyang bagong kasabihang pinaniniwalaan, “try and try until you succeed”, at ito ang nagsisilbing inspirasyon niya sa kanyang buhay pag-ibig.
17
KABANATA 4
Nang sila ay second year hayskul na, may bago namang lalaki na misteryoso at napaka-badboy na hahadlang sa pagmamahal ni Nade kay Anira, siya ay si Marko, isang first year student. Nagustuhan siya ni Anira dahil ito’y gwapo at mukha namang mabait. Nalaman ito ni Marko kung kaya’t inabuso niya ang nararamdaman ni Anira sa kanya…
Nang nagkita sina Marko at Anira sa canteen, nilapitan ni Marko ang dilag at sila’y nag-usap, “Hi Anira!”, –“ah mmm… hello Marko!”, -“An, Mayron na bang nagmamayari ng puso mo?” pabiglang tanong ng lalaki. – “hah!? Ako? Hehe, wala eh! Kaw naman, kakabigla naman yang tanong mo!” –“ah mmm, ganun bah?… (hehe, ayos to, tamang tama!, sabi niya sa isip.)” –“ba’t mo naman natanong?” –“kasi, lam mo, gusto kita! Oo, walang halong biro!… Ok lang ba kung ligawan kita?” –“kaw naman, ginugulat mo talaga ako. Ah eh,
18
kung yan talaga ang gusto mo, kaw bahala.” at pumayag nga si Anira sa gusto ni Marko na siya’y ligawan.
Muling nasaktan si Nade sa nangyari nang nalaman niya ito dahil buti pa raw si Marko, pinayagan na siya’y ligawan, at lalo siyang nasasaktan kung nakikita niya ang dalawa na magkasama.
Isang tanghali nung buwan ding iyon, napadaan si Nade sa classroom ni Marko. Narinig nyang nag-uusap ang lalaki at mga kabarkada nito. “Pare, lam mo, yang si Anira, patay na patay sa akin! Hahaha!” –“Ows!? Sigurado ka?” –“oo, naman! Ako pa! Pagdating sa babae, malakas ako!… yung tinanong ko nga siya kung pwede ko siya ligawan, akalain mo, pumayag agad!? Hahaha!!” –“hahaha! Ayos ka talaga Mark!” Galit na galit si Nade sa narinig at nasaktan din dahil pinapaglaruan lang pala ang kanyang minamahal. Susugurin niya na sana si Marko dahil sa sobrang galit subalit di natuloy dahil nakita nyang paparating si Anira. Agad nyang nilapitan ang dilag, hinawakan ang kamay nito at binira patungo sa isang kiosk at kanausap, “Anira, may sasabihin ako sayo, importanteng importante!” –“Ano na naman ba yun Nade? Hindi ka paba talaga natuto?” –“hindi Anira, iba ito! Maniwala ka sa akin, kahit ngayon lang!” –“duh?! Ok, ano yun?” –“Niloloko ka lang ni Marko, narinig ko sila na naguusap nang kanyang mga kaibigan… pinagtitripan ka lang niya?!” –“Nade, ano kaba?! Wala ka nabang magawa kundi manira? Dahil ba nililigawan ako ni Marko kung kaya sinisiraan mo siya sa akin?!” –“Hindi ako ganyan! Oo, nagseselos ako sa kanya, at oo mahal na mahal parin kita, pero hindi ko yan kayang gawin!
19
Maniwala ka naman sa akin oh?!” –“Bahala ka na nga sa buhay mo! Hinding hindi ako maniniwala sa mga kalokohan mo!” at bigla nang umalis si Anira. Walang ibang magawa si Nade kundi ang manalangin na lang na sana malaman din ng dilag ang katotohanan.
Dumating din ang araw na kinakatakutan ni Nade, ang maging magkasintahan ang dalawa. Nang nalaman niya ito, di siya mapakali at di alam ang gagawin dahil alam nyang niloloko lang ni Marko ang kanyang minamahal.
Subalit di nagtagal ang pagsasama nang dalawa, dahil dininig na ng Diyos ang mga panalangin ni Nade, dahil isang gabi, sinurpresang pinuntahan ni Anira ang kanyang nobyo sa bahay nito.
20
Nang malapit na siya sa bahay, nakita nyang nagkakasiyahan sina Marko at ang mga kabarkada nito. Nakita din nyang may inaakbayang babae si Marko. Habang si Anira ay palihim na lumalapit, kanyang narinig ang pinaguusapan ng mga magkakabarkada, “Pare, itong babaeng nasa tabi ko, ito lang ang pinakakamahal ko!” –“Eh Mark, pano na si Anira?!” –“Hahaha! Nagpapatawa kaba pare?! Si Anira? Hahaha! Wala akong pakialam dun, di ko naman talaga mahal yun eh! Hahaha!” sobrang sakit na may halong galit ang nadama ni Anira nung gabing iyon nang narinig niya ang sinabi ng kanyang manlolokong nobyo, kung kaya, agad niya itong nilapitan at sinampal. “Walang hiya ka Marko, niloko mo lang ako! Huhuhu!” sabi ni Anira na galit na galit at biglang umalis. “Hala ka Marko, bistado ka na ngayon! Haha!” tukso ng mga kabarkada. “Asus, hayaan mo yun! Wala akong pakialam! Hahaha!” ang sabi ni Marko at biglang hinalikan ang kayakap na babae.
Pagkabukas, halatang halata na umiyak ng matindi si Anira dahil sa nangyari sapagkat ang kanyang mga mata ay namamaga pa. At nung umaga nung araw na iyon, nilapitan niya si Nade at siya’y
21
humingi ng tawad. Mababakas din sa kanyang mga mukha ang hiya dahil hindi niya kasi pinaniwalaan ang kanyang mangingibig na si Nade. “Ah..uhum..eh… Nade, pwede ba tayong mag-usap kahit sandali lang?” Nagulat si Nade sa narinig, “hah?! Sure ka?… ok!..tungkol saan?” –“Gusto ko sanang humingi nang tawad sayo dahil hindi ako naniwala noon dun sa sinabi mo sakin tungkol kay Marko tsaka napagsalitaan pa ata kita ng di magaganda noon.” –“Nalaman mo na? Mabuti naman…kaw kasi, di ko naman talaga kayang magsinungaling sayo eh!” –“oo nga, sana noon ko pa iyon naisip… pinapatawad mo naba ako?” –“Ah ok lang yun! Di naman ako nagalit sayo eh!… pero kaibigan na ba tayo uli?” tanong ni Nade na nakangiti. –“oo naman!”…
Naging magkaibigan muli sina Nade at Anira ngunit hindi sila naging malapit sa isa’t isa tulad nung pagkakaibigan nila noon sapagkat si Nade na mismo ang umiiwas kay Anira dahil natatakot siya na baka di niya muling mapigilan ang kanyang nararamdaman sa minamahal at masabi niya uli ito at masira muli ang kanilang pagkakaibigan. Masaya na daw siya na sila’y nagpapansinan tuwing magkikita o magkasulyapan sa klase…
22
KABANATA 5
Subalit pagkalipas ng ilang buwan nang taong ding iyon, muling may nagparamdam ng kanyang pag-ibig kay Anira… hindi si Nade kundi ang kanyang dating kaibigan na si Chris. Nang magkita si Chris at Anira sa isang birthday party nang isa nilang kaklase nung elementary, hindi na pinalampas ni Chris ang pagkakataon na kausapan si Anira at ito’y ligawan. “Hello An, andito ka rin pala?” pabiglang tanong ni Chris nang nakita niya si Anira. –“hehe oo, inimbitahan din kasi ako eh!” Nagkaroon ng sayawan kung kaya niyaya ni Chris si Anira na sumayaw. “Tara An, sayaw tayo!” –“sige, tara!” sagot ni Anira na medyo nahihiya pa. Walang kaalam alam si Nade sa mga nangyayari sapagkat di siya nakapunta sa party na iyon. “An, lalo kang gumaganda ah!” sabi ni Chris. “hehe, Salamat!” –“An, alam mo naman na hanggang ngayon gusto parin kita, diba? Kahit nung naging hayskul na tayo at di na tayo gaanong nagkikita, kaw parin ang nilalaman nang puso ko… ahh… mmm… maari ba kitang ligawan?” Halatang kinikilig
23
si Anira sa mga sinabi ni Chris kung kaya di ito gaanong nakapagsalita, “hah!? Eh… kaw bahala.”
Nandun din si Fred nung gabing iyon at narinig niya ang pinagusapan ng dalawa kaya pagkabukas pinuntahan niya ang kanyang matalik na kaibigan sa bahay nito at ikinwento ang mga narinig. “tao po… tao po!” sigaw ni Fred. “Oh Fred, kaw pala!?” ang sabi ng tatay ni Nade. –“Ay uncle, andyan po ba si Nade?” –“Oo, andito siya, pasok ka.” –“Ah ok, sige po…” –“upo ka muna dyan, tatawagin ko lang si Nade… Nade! Nade! andito si Fred, hinahanap ka!” Agad sumagot si Nade, “opo, sandali lang, magbibihis lang muna ako!” –“Iwan na muna kita Fred ha!? Antayin mo na lang si Nade, bababa na rin yun.” –“Sige po uncle, Salamat!”…Pagkailang segundo, bumaba na si Nade. “Oh Fred! Musta!?… napadalaw ka ata?” –“hehe, ok lang ako tol!… may gusto lang kasi sana akong sabihin sayo eh!” –“hehe, ganun ba? ano naman yun!? Masyado ba yung importante at pinuntahan mo ako dito?… pwede mo naman i-text ah!?” –“basta sa tingin ko tol importante na malaman mo ito.” –“ok… tungkol saan?” –“tungkol ito kay Anira.” –“Kay Anira? Bakit anong tungkol sa kanya? Ok na naman
24
kami ah!?” –“diba nagpa birthday party kagabi si Susan?” –“Oo, bakit? Anong nangyari dun!?” –“Andun si Chris at si Anira, tapos nakita kong naguusap sila.” –“nakita mo lang naman palang naguusap sila eh! Anong problema dun?” –“tol, narinig ko kung ano ang pinaguusapan nila!… nanliligaw na uli ngayon si Chris kay Anira!…” Nang narinig ni Nade ang sinabi ni Fred, kalmado lamang siya at di niya ito prenoblema sapagkat ang pagkakaalam niya ay wala ng gusto ang kanyang minamahal kay Chris. “Hehe kaw ha, nagiging chismoso ka na?… yan lang ba ang gusto mong sabihin sa akin? Hehe, Salamat sa impormasyon!” –“hah, Tol!? Di ka ba nababahala? Mukhang nakakapagtaka ata ah!?” –“hehe, Ayos lang yun! Basta, wag mo na akong alalahanin!” –“ah oo sige, kaw bahala… siya nga pala, di na ako magtatagal Nade, pupuntahan ko pa kasi si Faith!” –“hah!? Si faith? Musta na nga pla siya?” –“hehe. Ayun maganda parin, tsaka di ko pa pala nasasabi sayo, girlfriend ko na siya, medyo matagal na! 2 years na kami!” –“Totoo ka!? Ayos ah!? Congrats! Hehehe… buti kapa, napasayo ns yung gusto mong babae!” –“hehe, Salamat!… sige tol alis
25
na ako!… Uncle!!! alis na po ako!!!” –“Sige iho!!! Ingat!!” –“Regards mo na lang ako kay Faith ha!?” –“Ok!”… at umalis na nga si Fred…
Ilang araw na rin ang lumipas simula nung nagkausap si Nade at Fred. Di parin inaalala ni Nade ang tungkol sa panliligaw ni Chris kay Anira dahil nga ang pagkakaalam niya, wala nang gusto ang kanyang minamahal kay Chris…subalit siya’y nagkamali. Bumalik ang gusto ni Anira kay Chris ng ito’y nanligaw muli sa kanya. Walang kaalam alam si Nade sa nangyayari subalit ng sila’y third year na, nabalitaan niya na lang sa kanyang isang kaklase na ang kanyang minamahal at ang kaniyang dating matalik kaibigan ay magkasintahan na. “Nade, alam mo ba, may boyfriend na si Anira. Chris ata ang pangalan nun!?” –“hah!? Pano ka nakakasiguro!? Sino nagsabi sayo!?” –“nge! Hindi mo pa pala talaga alam? Buti na lang sinabi ko sayo! Oo, sigurado ako. Lagi ko silang makitang magkasama tapos ang sweet nga nila, tapos sinabi nung isa nating classmate na close si Anira, oo daw, magkasintahan na nga sila.” Pinilit ni Nade na maging kalmado lang sa narinig, “hehe, ok Salamat sa balita!” pero mababakas sa kanyang mga mukha ang sakit na kanyang nararamdaman sa narinig ngunit medyo
26
nagkakaroon pa rin siya nang pag-asa hanggat hindi niya ito mismo narinig na sinabi ni Anira, kaya nung araw ding iyon, kinausap niya ang dilag… “Anira, mmm… totoo ba yung balita na kayo na raw ni Chris!?” tanong ni Nade na sobrang kinakabahan at binubulong sa sarili na sana ang sagot ni Anira ay hindi. “hehe, Ang bilis naman talaga nang balita oh!?… oo, Nade kami na! kahit nga ako nagulat eh dahil naging kami! Hehe.” Nang narinig na ito mismo ni Nade kay Anira, para bang magugunaw na ang kanyang mundo nung araw na iyon pero hindi niya ito pinahalata at pinilit niya paring sabihin ang pinakamasakit na salita para sa sarili sa kanyang minamahal, “Ah ganun ba!? Wow naman, Congrats hah!?”
Pagkatapos ng kanilang pag-uusap, agad siyang pumunta sa isang beerhouse na malapit sa kanilang paaralan. Tinext niya si Fred na pumunta din sa beerhouse na iyon, “tol, kelangan q nang 2long mo! Pmnta k d2 sa Cidel, nakikiusap aq! Huhu, di q na alam gagwn q tol!” Nang nabasa ni Fred ang text nang kanyang matalik na kaibigan agad itong umalis, sa katunayan, may klase pa nga siya pero tumakas na lang siya para lang mapuntahan si Nade. Nang nakarating na siya sa Cidel, nakita niyang umiyak si Nade at lasing na lasing dahil nakainum na nang marami.
27
KABANATA 6
Habang papalapit siya sa kaibigan, na kita niya itong magpapakamatay na dahil kumuha ito ng bote at ipupukpok na sa ulo. Agad niya itong tinakbo at inawat, “Tol! Ano kaba!? Ba’t ka magpapakamatay!? Anong problema!?” –“huhuhu! Tol, wag mo ako pigilan!…huhu, di ko na alam gagawin ko!” –“bakit nga!? Ano kasing nangyari!?” –“huhu, magkasintahan na si Chris at si Anira!… may kasintahan na ang minamahal ko! Huhuhu!” –“tol, magpapakamatay ka dahil sa isang babae lang!? mag-isip ka nga!? Akala ko ba matalino ka!?” –“Anong babae LANG!? lam mo naman na si Anira lang ang buhay ko!! Huhuhu.” –“Ah ok, sorry… tol, ang pinakamagandang gawin mo ay ang kalimutang siya…oo inaamin ko, mahirap nga yung gawin pero wala na tayong magagawa eh! Piliting mo na lang ding maging masaya para kay Anira dahil alam nating masaya na siya ngayon sa piling ni Chris, diba?”…
28
Wala na ngang nagawa si Nade kundi ang sundin ang payo ni Fred… wala na talaga siyang nagawa kundi tanggapin ang nangyari… pinilit na din niyang kalimutan ang dilag, at ginawa niya ito sa pamamagitan nang paghahanap na lang nang bagong babaeng magpapatibok nang kanyang puso…
At pagkaraan nga ng ilang buwan, muling na ngang may nagpatibok nang puso ni Nade, isa rin niya itong kaklase, ang pangalan ay Anastasia, isang simple, matapang, at masayahing babae. Kaklase niya pa ito mula nung naging hayskul sila ngunit di niya gaanung napansin ang mga characteristics nito na hinahanap din ng isang lalaki sapagkat dahil nga si Anira lang ang laging nasa kanyang puso.
Ang babaeng ito ay kasamahan niya sa paglalaro ng Chess, at dahil parati silang magkasama, unti-unting nang nahulog ang loob niya rito. Dumating din ang pagkakataon na nagkasama silang dalawa lamang nang kumain sila sa isang kainan nang sumali sila sa isang tournament nang chess at sa kaunting panahon na pagsasama nilang iyon, tuluyan na ngang nahulog ang loob ni Nade kay Anastasia. Agad niyang ipinagtapat ang kaniyang nararamdaman kay Anastasia ngunit
29
sa text lamang dahil hindi siya makahanap nang tiyempo na ito’y kausapin sa personal kahit lagi silang magkasama.
Hiningi niya ang cellphone number ni Anastasia sa isang matalik nitong kaibigan, “Jona, may cellphone number kaba ni Anastasia? Bigay mo naman sa akin oh!? Salamat!hehehehe!” Agad sumagot si Jona, “Nge! Wala ko pa nga na ibibigay, nagpapasalamat ka na agad!? Kung ayaw ko pala ibigay beh!? Hehehe.. sige ibibigay ko, (kinuha ang cellphone sa bulsa), ito yung number nya oh!” Kinuha na rin ni Nade ang kanyang cellphone sa bulsa, “oh sige anong yung number?” binigay ni Jona ang numero, “0910252…” –“hay salamat, Mabuti smart subscriber siya! Smart din kasi ako tapos may unlimited pa!hehehe… Salamat uli Jo ha!?” –“Ok lng!… bakit nga pala bigla mong nahingi cp number niya?… uyyy, may gusto ka sa kanya no!?hehehe.” tinanggi ni Nade ang katotohanan, “hah!? wala noh!? Hiningi ko lang para madali ko siyang macontact tungkol dun sa paglalaro namin ng chess.”
Pagkagabi, tinext na agad ni Nade si Anastasia… “hi Anastasia, lam mo npanaghnipan kta last nyt, nanligaw dw aq sau tpos
30
pmayag ka at naging tau dw.” Pambobolang text ni Nade. Sumagot si Anastasia, “huh!? Wu u?” –“hehe. Xa nga pla, c Nade toh!” –“jeje, kw lng pla! Akla ko kung cno… Wla k nman mgawa noh!?” –“hehe. Wla nga, pero 22o ung tinext q sau! Maniwala k!” –“ows, tlaga? Niloloko mo namn aq eh!” Pinagpatuloy ni Nade ang pambobola, “Oo lage, mniwala k, npanaghnipan tlga kta! Pero pwde b mngyari un? Pwde b kitang ligawan tlga?hehe. kilala mo n btaw aq!” –“ah? Mmm… pgisipan q mna… Ok lng b?” Sabi ng babae. “Oo, ok lng! Bsta ikaw!hehe.” ang sagot naman ni Nade.
Hinintay ni Nade ang panahong iyon na nakakasigurong papayag si Anastasia subalit nagtaka na lamang siya at kanyang naramdaman na iniiwasan na siya nito. Ang nararamdaman nyang pagiwas na iyon ni Anastasia ay tulad ng pag-iwas ni Anira sa kaniya noon. Hindi alam ni Nade kung ano ang kanyang gagawin, bigla na rin siyang kinabahan sa mga nangyayari…hindi niya rin makausap o malapitan man lang si Anastasia sapagkat nahihiya na siya. Ang ginagawa na lang ni Nade ay magpapansin dito sapagkat sa tingin niya, iyon ang pinakamagandang gawin.
31
Habang gumagawa sila nang pang-individual na proyekto sa loob nang kanilang classroom, nagpatulong si Anastasia sa isa nilang kaklase sapagkat di niya alam kung ano ang gagawin sa isang proyekto. Nagkataon naman na alam na alam ito ni Nade kung kaya’t nagpakitang gilas siya para siya’y mapansin. Nilapitan niya yung hiningan nang tulong ni Anastasia at siya ang gumawa nung proyekto na kunwaring hindi niya alam na si Anastasia yung nagpapagawa. Akala ni Nade ay tama ang kanyang ginawang pagpapapansin subalit ang hindi niya alam, hindi ito nagustuhan ni Anastasia.
Dumating na ang oras na pinakakahintay ni Nade, ang kakausapin siya ni Anastasia tungkol sa sagot nito sa kanyang tanong…. Inutusan ni Anastasia ang kaniyang matalik na kaibigan na si Jona na sabihin kay Nade na sila’y mag-uusap. Nang nakarating na ang balita kay Nade na kakausapin na siya Anastasia, Agad niya itong pinuntahan. Masayang-masaya at halatang-halata na siya’y excited habang papunta sa babae sapagkat dumating na nga ang kanyang pinakahihintay….
Nang tumabi na si Nade sa kinauupuan ni Anastasia, Agad nagsalita si Anastasia, “Nade, tungkol nga pala dun sa sagot ko sa tanong mo sa akin noon…
32
KABANATA 7
Hindi pwede eh! Sapagkat may iba akong nagustuhan, sana maintindihan mo, at dahil kasi, kaibigan lang pala talaga ang turing ko sa iyo at dahil hindi ko nagustuhan yung pagpapapansin mo, para kasi akong nasasakal eh”, sabi ni Anastasia. Hindi nakapagsalita si Nade… Ang kanyang masaya at excited na mukha ay napalitan nang kalungkutan… bigla na lang itong umalis at umuwi dahil hindi niya na makayanan ang muling sakit na nadama nung araw na iyon. Muli namang nasugatan ang dati nang sugatang puso ni Nade. Nagkulong siya sa kanyang kwarto at umiyak. Hindi na niya ito pinaalam sa kanyang matalik na kaibigan na si Fred sapagkat sa tingin niya, kaya niya pa naman itong harapin…
Kinabukasan sa kanilang classroom, halos di na makausap si Nade, ang dating masayahin na Nade ay bigla na lang nagbago nung araw na iyon. Naging tahimik siya na para bang malalim ang iniisip.
33
Wala pang nakakaalam kung ano ang nangyari sa kanya maliban na lang kay Anastasia at kay Jona. Kinausap ni Jona si Nade, “Hey Nade, ok ka lang ba?… kaw kasi, kung sinabi mo lang sa akin na may gusto ka pala talaga kay Anastasia, edi natulungan pa kita. Bakit mo pa kasi tinanggi eh!?” Hindi umimik si Nade na para bang walang narining at umalis na lang si Jona dahil natakot siya na baka bigla na lang siyang sapakin nito. Nilapitan din si Nade ng kanyang tunay na minamahal na si Anira sapagkat ito’y nagtataka rin sa nangyayari at tinanong nito kung anong nangyari sa kanya. Sinabi ni Nade kung ano ang tunay at lahat ng nangyari sa kanya at medyo gumaan na ang kanyang dinadalang sakit. Dinamayan ni Anira si Nade at dahil doon, muli nang bumalik ang pagiging malapit nila sa isa’t -isa. Muling bumabalik ang buong pagmamahal ni Nade kay Anira ngunit pilit niya parin talaga itong pinipigilan dahil alam niya na masasaktan lang uli siya, at alam niya na wala na siyang magagawa sapagkat hindi na pwede dahil may kasintahan na si Anira.
34
Fourth year na sila… Silang lahat na magkaklase ay sabik na sabik nang maka-graduate. “Grabe Anira noh!? Fourth year na tayo sunod di pagkatagalan, gagraduate na tayo! Ang saya!” ang sabi ni Nade kay Anira. Sumagot naman ang dilag sa lalake, “Oo nga Nade, parang kelan lang yung na-busted ka ni Anastasia!” –“hahahaha!!” sila’y nagtawanan.
…Dahil may nararamdaman parin si Nade kay Anastasia at dahil hindi niya parin ito tuluyang nakakalimutan, naglakas loob siyang kausapin uli ito ngunit sa personal na at tinanong kung papayag naba ito na kanyang ligawan, “Ana, muli sana kitang tatanungin kung papayag kaba na ligawan kita? kasi di parin talaga nawawala ang pagtingin ko sayo.” subalit hindi parin pumayag si Anastasia, “Sorry Nade, ayaw ko talaga, sana respetuhin mo ang desisyon ko….” Isa rin sa dahilan ni Anastasia kung bakit siya di pumayag ay dahil akala niya, ginagawa lang siyang panakip-butas ni Nade kay Anira dahil may alam din siya sa kwento nang dalawa, pero hindi niya sinabi ang isang dahilan na iyon kay Nade dahil baka hahaba pa raw ang kanilang pag-uuspan…
35
Kaya, napagpasyahan na lang ni Nade na tuluyan na ngang kalimutan si Anastasia at humanap nalang muli ng iba na muling magpapatibok ng kanyang puso, maliban kay Anira sapagkat sa panahong iyon, di parin nawawala ang pag-ibig niya sa babaeng ito. Dahil nga may kasabihang, “first love never die…”
Sa paghahanap ni Nade ng muling magpapatibok ng kanyang puso, mayroon siyang natagpuan, isang kolehiyana na nagngangalang Shaine, isang second year college. Kaibigan ito ng kanyang kuya na si Maxx, at ng minsang pumunta ito sa kanilang bahay, biglang nakaramdam si Nade ng bagong pag-ibig sa dalagang ito, para bang na “love at first sight” siya. Subalit, di pinansin ni Nade ang kanyang nararamdaman… Binalewala niya lang…
Nang laging tumatawag si Shaine sa kanilang bahay para hanapin ang kanyang kuya na si Maxx, siya lagi ang nakakasagot at laging nagkakataon na wala si Maxx kung ito’y tumatawag, para bang nakikisama amg pagkakataon, kung kaya sila na lang ang nag-uusap, at dahil kaya tumatawag si Shaine ay dahil wala lang itong magawa at gusto niya lang ding may maka-usap.
36
(Tumunog ang phone: kring…kring…kring…) Sinagot ni Nade, “Hello, goodevening! Sino po sila?” –“Hello, andyan po ba si Maxx, pakisabi kaibigan niya po, si Shaine.” –“ah shaine, wala naman po kasi si kuya Maxx eh! May pinuntahan nanaman ata…” –“ah ok… lagi na lang siyang wala kung tumatawag ako..hehe. anyway, may ginagawa kaba? Kwentuhan naman uli tayo oh!?” –“hehe… ok… ano naman gusto mong topic na pag-usapan natin ngayon?”… At muli namang nag-usap at nagkwentuhan ang dalawa…
Parati na silang nag-uusap sa telepono at nagkwekwentuhan ng kung anu-ano hanggang nahulog na rin ang loob ni Nade kay Shaine at dumating ang oras na niligawan ni Nade ang kolehiyanang ito. Di niya inisip na mas matanda ito sa kanya ng dalawang taon, sapagkat para sa kanya, “age doesn’t matter.”
Tuwing linggo ay sinasabayan ni Nade si Shaine na magsimba, at sa tuwing sila ay magkasama, nilalambing niya ito parati at inaalagaan at pinaparamdam niya talaga na gusto niya ito. Marami ngang nagtataka at nag-iisip na kung sila na raw kasi parating silang makitang magkasama at ang lambing sa isa’t-isa…
Malapit na ang Christmas kaya nakasanayan na nagkakaroon nang palabunutan sa klase para sa Christmas party… at nagkataon na sa palabunutang iyon, nabunutan ni Nade si Anira
37
KABANATA 8
Ngunit parang wala lang sa kanya ang nangyari dahil di niya na gaanung naiisip si Anira sapagkat ang lagi na niyang naiisip ay si Shaine… sa tingin niya rin kasi ay wala na siyang nararamdaman kay Anira…pero ang totoo, ay meron pa…
Wala nanamang klase sapagkat Magpapasko na nga at malapit na rin ang bagong taon…. Nagbakasyon si Shaine sa kanyang lola kaya nalungkot si Nade dahil hindi niya na ito makikita sa mga araw na walang klase, subalit bago ito umalis ay binigyan siya ni Nade nang regalo para raw maalala siya kahit hindi sila magkasama.
Walang inisip si Nade nung bakasyong iyon maliban na lang sa kanyang bagong sinisinta na Shaine. Lagi niyang Iniisip kung nasa mabuting kalagayan ba ang dalaga, ok lang ba ito doon, o kung ano na ang nangyari rito, kaya nang umuwi na si Shaine galing sa bahay ng kanyang lola, labis na lang ang kasiyahang naramdaman ni Nade.
38
Subalit ang kasiyahang iyon ay muling nauwi sa kalungkutan ng nalaman ni Nade na nagkabalikang muli ang kanyang bagong minamahal at ang dating boyfriend nito ng araw na siya ay nagpapakamartir dito, “Nade, sorry ha!? Nagkabalikan kasi kami nang dati kong bf… di ko parin siya nakakalimutan eh kaya pumayag ako na nakipagbalikan sa kanya… sorry talaga…” –“Ok lang yun, sanay naman akong masaktan eh!…” sagot ni Nade na pilit tinatanggap ang nangyari… Muli namang naging sawi sa pag-ibig ang lalaking si Nade.
Alam ni Shaine na masyado niyang nasaktan si Nade, kaya pagkagabing iyon, pinadalhan niya ito ng isang quotes sa text para pampalubag-loob na rin,
“U can only truly fol nluv
w/ 1 prson, & d oders?
Wel, dey just mke ur hart beat.
U wil get 2 meet a lot of ppol
but ders only 1
to whom u wil fuly gve ur
hart.
Sure, u wil get atracted 2 many
but wat u wil hve r just filings.
Weder u play around or not,
der wil only b 1 prson 4u n d end.
8 can b hard finding dat prson
& hrder to feel dat emotion
but I’ve been told, 8 can happen…”
–nagforward din si Nade ng message kay Shaine,
“ang hirap
mghnap
nang taong
mamahaLn
halos Lhat
sasktan k
pgdatng
sa huli!
bkit d nLa
subukang
saktan k
sa una
tpos mahaLn
n lang sa huli
dba pwede
nman un?”
Pagkaraan ng ilang buwan, may nangyaring muli na di pagkakaunawaan sa relasyon nina Anira at Chris, ang dalawa ay nag-away sapagkat may nalamang di maganda si Anira kay Chris. Si Chris kasi ay gumagamit pala ng ipinagbabawal na gamot. “Chris ano yan!? Shabu yan ah!? Kelan kapa gumagamit nyan!? Lam mo naman na ayaw ko nang ganyan!?” pasigaw na tanong ni Anira dahil nagulat sa mga nakita. “Ano bang pakialam mo!? Hayaan mo nga ako sa ginagawa ko!! (itinuloy ang ginagawa) Di nga kita pinapakialaman sa pinaggagawa mo eh!” sagot ni Chris. Nagpatuloy sa pagsigaw si Anira, “Walang hiya ka!! Ayaw ko na sayo!! Break na tayo!huhuhu…” –“Bahala ka na nga sa buhay mo!!! Sagot di na pasigaw ni Chris.
Nang nalaman ni Nade ang nangyari, agad niyang pinuntahan ang kanyang tunay na minamahal na si Anira upang damayan ito sa nangyari. Sila muli’y nagkausap ng magtagal nung araw na iyon. “Anira, nabalitaan ko na yung nangyari sa inyo ni Chris, nandito ako
40
para damayan ka…” –“Salamat Nade hah!?” –“walang anuman…nandito naman talaga lagi ako para sayo eh!… ok lang yan An!… marami pa naman ibang lalaki diyan na tunay na nagmamahal sayo eh! Basta tumingin tingin ka lang sa paligid mo… ehem…” –“hehe. Kaw talaga, pinapatawa mo ako!” –“hehe. Pero nagsasabi naman ako nang totoo ah!?” pagtatanggol ni Nade sa sarili. At dahil sa pag-uusap nilang iyon, tuluyan na ngang bumalik ang pagtingin ni Nade kay Anira, hindi na niya ito napigilan at mas lalo pang tumindi ang pagmamahal niya sa kanyang minamahal.
Katulad nang dating ginagawa ni Nade, muli niyang ipinaalam kay Anira ang kanyang pagmamahal dito sapagkat siya parin ay talagang umaasa na sila’y magkakatuluyan. “Anira, marahil para sayo, napakamali naman itong gagawin ko, pero, hindi ko talaga kayang pigilan eh! Tsaka hindi ko na rin alam ang gagawin ko! Anira, mahal na mahal kita!… Mahirap ba intindihin yun!? Lahat gagawin ko mahalin mo lang ako… nagmahal ako ng ibang babae… pinilit kong kalimutan ka!… pero bat di ko magawa!?… Anira…”, lumuluhang sabi ni Nade. Sumagot naman si Anira, “Nade, Siguro nga ay mahal mo
41
talaga ako… Mahal din naman kita, pero bilang kaibigan lang… at yan lang siguro ang kaya kong ibigay… mahirap din ba intindihin yun!?…” Dahil sobra nang nasaktan si Nade sa sinabi ni Anira sa kanya, sinumbatan niya ito, “An, minahal kita kahit alam kong mali ito…hinintay kita kahit sobrang tagal na… nagbigay kahit ubos na… nagparaya kahit sobra na…lahat, ginawa ko… kulang parin ba yun para mahalin mo ako?!…” –“Nade, hindi… siguro…sapat na yun para isuko ang pagmamahal mo sa akin…Sori talaga…” At tulad ng dati, di parin pinagbigyan ang kawawang si Nade sapagkat kaibigan lang daw talaga ang turing ni Anira sa kanya at mukhang di na ito magbabago.
Tinanggap na lang ni Nade ang mapait na katotohanan, na hindi na siya mamahalin nang kanyang tunay na minamahal…at para bang sanay na sanay na siya sa pagtanggi ng kanyang minamahal sa kanya.
Ipinangako ni Nade kay Anira na kelan man ay di na niya ito liligawan at nangako rin siya na di na siya titingin sa ibang babae sapagkat kung di man lang daw si Anira ang kanyang magiging kasama habang buhay, huwag na lang. “Anira, Patawad sa lahat nang mga
42
nagawa kong kasalanan sayo… siguro masyado akong naging makulit sayo… laging sinusuyo… laging nagpapapansin… pero huwag ka magalala, di na yun mauulit… di na kita kukulitin… di na kita pipilitin na mahalin din ako…” –“wala ka naman ginawang kasalanan sa akin eh! Sinunod mo lang siguro yung nararamdaman mo… dapat nga ako pa ang humingi nang tawad.” Nagpatuloy si Nade, “tsaka, gusto ko lang rin sanang ipaalam sayo at gusto kong lagi mong isipin na tunay na mahal na mahal kita… at hindi na ako magmamahal pa nang iba maliban sayo…Pangako yan…” “Hah!? Nagbibiro kaba!?… marami pa naman iba diyan ah!?… maraming mas karapat-dapat para sayo keysa sa akin!” ang sagot ni Anira na nagulat sa sinabi ni Nade. –“Hindi ako nagbibiro. Totoo ang mga sinabi ko… at para ano pa kung maraming babae diyan eh kung di ko sila kayang mahalin tulad nang pagmamahal ko sayo!?” Sasagot sana uli si Anira ngunit di na siya pinasalita ni Nade. “Shhh… Anira… huwag mo na akong pigilan sa gagawin ko!…Kahit man lang ang mahalin ka na wala nang hinihinging kapalit ay ipagkakait mo pa?…
43
Makalipas ang isang linggo nang nag-usap si Nade at Anira… di na nagpapakita si Nade kay Anira at di na rin ito pumapasok sa kanilang klase. Nagkaroon ng isang kakaibang pakiramdam si Anira,
KABANATA 9
Para bang hinahanap hanap na niya si Nade, di na rin siya makatulog at ang laging nasa isip na lang niya ngayon ay ang binata. Di niya maintindihan ang sarili kung bakit ganun ang nangyayari sa kanya at bigla na lang nyang na realize na napamahal na rin pala siya sa lalaking lagi niyang sinasaktan ang damdamin. “Bakit ganun?… bakit si Nade ang lagi kong naiisip? Bakit ko na siya hinahanap? Dahil ba gusto ko nang may makausap na tulad niya… o baka dahil…mmm… mahal ko na siya?…” pabulong na sabi ni Anira sa sarili.
Napagisip-isip din ni Anira na mahal niya na nga si Nade… at pagkabukas ding iyon, napagpasyahan niya na puntahan si Nade sa kanilang bahay upang sabihin kung ano na ang kanyang nararamdan dito. Masayang masaya siyang naglalakad patungo sa tahanan ng binata sapagkat sabik na siyang ipaalam ito, ngunit nagulat siya na maraming
44
tao sa bahay na kanyang patutunguhan. Naisip niya na baka may okasyon sa bahay nila Nade. Hindi na sana siya didiretso sa bahay ngunit dahil masyado na siyang sabik at hindi na rin niya mapigilan ang nararamdaman, nagpatuloy siya. Nang nasa gate na siya, sinalubong siya nang isang kamag-anak ni Nade, “Bisita kaba ni Nade?…sige pasok ka.” Walang hiya-hiyang pumasok siya sa bahay nila Nade, at nakita niya ang binata na mapayapang nakahiga, nakahiga… sa isang kabaong.
Ang ngiti sa mukha ni Anira ay napalitan ng kalungkutan at biglang tumulo ang luha niya sa kanyang kinatatayuan. Gulat…tulala… at di alam ang gagawin… Agad siyang lumapit sa kabaong at umiyak ng malakas at nagsisigaw, “Nade! Ba’t mo ako iniwan!? Ang daya mo! Mamahalin mo ako tapos iiwan mo lang pala ako!? Huhu! Bakit!? Bakit Nade!? Bakit ngayon pa!!? Bakit kung kelan mahal na kita!!!?huhuhu”. Dumating ang mga kaibigan at kaklase nila Anira at inawat siya at ipinahinahon, “An, tama na… wala na tayong magagawa… siguro masaya na siya kung nasan siya ngayon…”
45
Nang huminahon na si Anira, biglang dumating ang bestfriend ni Nade na si Fred na galit na galit, bago niya lang rin nabalitaan na patay na ang kanyang matalik na kaibigan, “Nasaan si Anira?!! Nasaan?!” Nang nakita niya ang hinahanap, nilapitan niya ito at pinagsisigawan, “Ang lakas naman ng loob mo na pumunta pa rito?!! Kaya siguro namatay ang kaibigan ko dahil sayo! Dahil sinaktan mo nanaman siya! Nagpakamatay siya…!!” Hindi nakaimik si Anira at naisip niya na marahil siya nga ang dahilan ngunit dumating ang ama ni Nade at nagpaliwanag, “Fred, huminahon ka nga! Galangin mo naman ang anak ko… walang may kasalanan sa nangyari! Dahil alam ko na kagustuhan ng Diyos ang nagyari.” at nilapitan ni Anira ang ama ni Nade, “huhu, uncle, nakikiramay po ako sa nangyari…” –“salamat iha… ahh, ikaw pala si Anira…ipagdasal na lang natin na sana maging masaya na siya ngayon kung nasan man siya, at sana huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari dahil wala kang kasalanan.” –“opo uncle…huhu, ano po pala ang nangyari?”… at ikinwento nga ng ama ni Nade kung ano nga ang tunay na nangyari, “Noong isang linggo pa yumao ang aking anak… Nung araw na iyon galing ata siya sa inyong
46
tahanan. Nang siya ay pauwi na rito, nakita ko siyang nalulungkot at medyo lumuluha pa ang kanyang mga mata. Dumiretso siya sa kanyang kwarto. Hinayaan lang namin siya sapagkat kala namin, wala lang iyon, dahil lagi niya naman yung ginagawa. Pagkabukas nung araw na iyon, kumatok ako sa kanyang kwarto subalit walang sumasagot at napagpasyahan kong sirain na lang ang pintuan ng kanyang kwarto sapagkat naghinala na ako na baka napano na siya. At tama nga ako, may nangyari ngang masama sa aking anak, nakita ko siya na nakahiga na sa sahig na wala nang malay. Agad akong nagpatawag ng doktor at nang ito’y dumating, agad niyang sinuri ang aking anak at sinabing namaalam na nga ito. Kaya raw siya namatay ay dahil ina-take raw ito sa puso. Nagtaka nga ako kung pano nangyari yun dahil napakabata pa nang anak ko, pero sabi nang doktor ay dahil sa sobrang stressed daw nito kaya nanikip ang kanyang puso… May nakita rin akong isang sulat sa kanyang tabi nung araw na iyon, sinabi ng doktor na naisulat niya raw ito habang nawawalan na siya ng hininga. At ito’y para sayo Anira… sandali lang at kukunin ko ang sulat…” habang wala pa ang ama ni Nade, humingi ng tawad si Fred kay Anira, “An, sori kanina ha?!
47
Nadala lang kasi ako nang emosyon ko.” –“wala yun, naiintindihan naman kita Fred eh! Kasi alam ko na mahal na mahal mo ang bestfriend mo at alam kong masyado kang nasaktan sa nangyari.”… -“ Salamat sa pagintindi An. Siya nga pala, kaya nasisi kita sa nangyari kasi dahil sa forward message ni Nade sa akin. Last week niya pa rin ito pinasa sa akin at ito ang huling text niya sa akin, heto oh, basahin mo (inabot ang cellphone),
“I’ve been a
sole plyer
in d game
I den realized
dat in dis game
…
called loved
I dd my best
& played gud
bt stil ended
a loser
u cant win
w/o sum1
hus wiling to fyt
d game w/ u…”
napaluha na lang si Anira sa nabasang text…
Nang binigay na nang ama ni Nade ang sulat kay Anira, agad niya itong binuksan at binasa… “Anira, lagi mo sanang tandaan na mahal na mahal kita… at kung mawawala na ako, sana hindi mo ako makakalimutan…”
48
Muling tumulo ang luha ni Anira sa kanyang mga mata matapos niyang basahin ang sulat. Naisip niya na kahit sa huling hininga na ni Nade, siya parin ang iniisip at labis ang kanyang pagsisisi sapagkat kung kelan na siya napamahal sa matagal nang nagmamahal sa kanya, dun pa ito nawala… Labis na kalungkutan ang nadama ni Anira sapagkat sadyang napamahal na talaga siya kay Nade. Ang kanyang nadarama ay kawangis ng isang munting alitaptap na nawawalan na ng pag-asa sapagkat nawawala na rin ang liwanag na kanyang dinadala.
At nang siya’y umupo sa isang tabi, bigla nyang naalala ang mga masasaya at malulungkot na araw na kasama niya si Nade at lalo na nung una nilang pagkikita nung sila ay grade one pa lamang. At dahil dito, nangako rin si Anira para kay Nade, “Nade, kung nakikinig kaman, gusto kong ipaalam sayo na mahal na mahal na rin kita, at hindi na rin ako magmamahal nang iba maliban sayo, kagaya nang ipinangako mo sa akin… Pangako yan! Kahit ito man lang ang magiging kapalit sa tunay at wagas mong pagmamahal sa akin…” Kinuha niya ang litrato ng binata, at siya’y muling nangako at sinabi, “Nade, I will love you with all my heart even death do us part.” At bigla siyang hinimatay…
-WAKAS-
nyahahaha…sobrang mais dba?.. pigilan ang pagtawa…hihihihi
Previous Comments
@arnz: hehe.. gnun ba?.. sa tingin ko yan na ang una at huling gagawin ko na pocketbook sa buong buhay ko.. haha..
binasa mu pla tlga?.. parang ikaw plang ata nakakatapos nyan maliban sakn..hehe..
ang ganda aman nito..haha naka inspire to sa mga inlove naun..haha
Posted by Mj at November 12, 2010, 8:32 amYou are still what you were, while I have learnd how to keep distance.
Posted by juicy couture outlet at December 21, 2010, 11:34 ammedyo mapaluha na ako sa huli ;(
Posted by shai30 at July 2, 2011, 6:15 pmFirt, thank you give us this article! If you are going to purchase a designer Coach Outlet Online for every day use, what elements you will think about Coach Outlet? Of course, the high quality is the initial element we should note Coach Handbags. If it doesn’t have the leading quality, it will not be worth our Prada Shoes. Next, we’ll think over its looks Puma Shoes. It should so fashionable and fragile which will completely show your personal nike air max. Finally, the most important component will be the sensible Coach Factory Outlet. Nobody want to spend plenty of cash on a single fashion Coach Outlet Online.Consequently, we can know that there are few famous manufacturers that will meet Coach Outlet Online store of the demands, especially the final 1. It’s very difficult for us to find a beautiful and cheap dunk sb shoes within our spending budget. While there is a Coach Outlet Online name which is not only inexpensive but also Coach Factory Outlet, supplying you all you preferred. That’s, the designer Supra Sneakers. The planet well-known brand name provides styles suiting all events and all the year round Coach Outlet Online Store, featuring different styles from shoulder style handbags to delicate leading held air yeezy shoes.
Posted by yujian at August 19, 2011, 11:39 amAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.









hahaha… pwede ka ng magsulat ng pocket book… pang highschool..yan ang stiryang gusto ng mga high skul..heheh….kainis..iba ang nasa isip kong ending..haha
Posted by arnz at March 24, 2010, 6:17 pm